PABATID SA LAHAT: DJFMH OB-OPD SCHEDULING NEW NUMBER
- Category: News and Events
PABATID SA LAHAT
Sa mga nakaraang araw, ang numero para sa DJFMH OB-OPD SCHEDULING (09312144190) ay nagkaroon ng teknikal na problema. It po ay papalitan ng bagong numero 09511840337.
Pa-umanhin po sa lahat ng nagtext simula noong October 18, 2021 kung hindi po nareplyan ang inyong mensahe, maaring magtext po uli sa bagong numero na ibibigay. Paalala lang din po na kung maari huwag po mag flood text, maghintay nalang po ng reply. Maraming salamat po.
DJFMH OB-OPD SCHEDULING NEW NUMBER: 09511840337
Para sa mga BUNTIS na magpapaschedule ng PRENATAL CHECK UP sa OPD ng FABELLA.
Pakisagutan po ang mga sumusunod;
Pangalan:
Edad:
Birthday:
Ilang weeks/buwan ang pinagbubuntis:
Ika-ilang Pagbubuntis (una, pangalawa…):
Ibang sakit maliban sa pagbubuntis:
Kailan expected due date:
Bago o dating pasyente (TEAM number kung dati):
History
- Category: Transparency Seal
HOSPITAL PROFILE
HISTORICAL BACKGROUND
On November 9, 1920, the late Dr. Jose Fabella, then the Chairman of the Public Welfare Board founded a six (6) bed maternity clinic called ‘the Maternity house’ which was originally located at Isabel St. Sampaloc, Manila. With the creation of the Public Welfare Commission, the control and operation of the clinic was taken over by the said office in 1921. In the year 1922, the clinic expanded by creating a pediatric section and the school of midwifery was opened turning out its first graduates of ten (10) midwives the following year. In 1931, the control and supervision of the clinic was transferred to the Bureau of Health and then to the Bureau of Hospitals in 1947, which is now the Bureau of Medical Services. The School of Midwifery was later on designated as a training hospital under the jurisdiction of the Office of the Secretary of Health.
Through the efforts of then Secretary of Health Antonio Villarama in 1951, the hospital move to its present site at Lope de Vega, Manila occupying the Administrative building of the old Bilibid Compound. It was rehabilitated and another floor was added to put it in condition for the operation of a modern Maternity Children Hospital, from funds appropriated by the Congress of the Philippines made possible by former Director of Hospitals Dr. Tranquilino Elicano, Sr. The name of the hospital was changed on November 9, 1968 to Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.
Announcement: Procedure for Scheduling of Prenatal Visit of New Patients and Telehealth Consultation
- Category: News and Events
PAUNAWA
- Simula sa September 1, 2020:
- Lahat ng Prenatal Check-up ng mga Bagong Pasyente sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital (DJFMH) Out-Patient Department (OPD) ay kailangan ipa-schedule.
- Magsisimula na rin magtanggap ng Video Consultations ng low-risk na buntis ang DJFMH.
- Para magpa-schedule ng REGULAR na prenatal:
- Mag-text sa 0931-2144190 at ibigay ang mga sumusunod na impormasyon:
- Mensahe: maaaring alinman sa mga sumusunod
- Magpa-schedule ng prenatal check-up
- Magkansela ng schedule ng prenatal check-up
- Magpa-reschedule ng prenatal check-up
- Iba pang katanungan (tukuyin)
- Buong Pangalan (Una, Gitna, Apelyido)
- Edad
- Pang-ilang Pagbubuntis
- Ilang Buwan na ang Pagbubuntis
- Ibang Sakit Maliban sa Pagbubuntis
- Telepono (cellphone o landline)
- Mensahe: maaaring alinman sa mga sumusunod
- Hintayin ang kasagutan at i-save ang nakatalagang schedule para sa iyong pagkonsulta. Kung hindi ka pwede sa nakatalagang schedule, tumawag o i-text ang impormasyong nakasulat sa itaas sa parehong numero para humingi ng bagong schedule.
- Pumunta sa DJFMH Out-Patient Department (OPD) ng maaga sa nakatakdang araw ng konsultasyon at kumuha ng numero sa pagpila sa OPD Information Area. Huwag kalimutan magsuot ng mask at face shield. Kung kinakailangan mong magkansela ng appointment, i-text ang impormasyong nakasulat sa itaas sa parehong numero para humingi ng bagong schedule.
- Para magpa-schedule o magtanong tungkol sa Video Consultation (VC):
- I-text or ipadala ang mga sumusunod na impormasyon sa 0931-2144190 o sa Facebook page ng “OPD Fabella” o i visit ang aming website sa http://fabella.doh.gov.ph/.
- Mensahe: maaaring alinman sa mga sumusunod
- Magpa-schedule ng Video Consultation (VC)
- Magpa-kansela ng VC appointment
- Magpalit ng schedule ng VC appointment
- Iba pang katanungan (tukuyin)
- Buong Pangalan ng Pasyente
- Pangalan ng Doktor o Team (kung lumang pasyente). Ilagay ang “Prenatal Check-up” (kung bagong pasyente)
- Gustong Petsa at Oras ng Video Consultation
- Cellphone Number o Email ng Pasyente
- Mensahe: maaaring alinman sa mga sumusunod
- Hintayin ang kasagutan. Kung hindi ka pwede sa video consultation, magpa-schedule para sa regular na prenatal (tingnan sa itaas).
- Kung may kumpirmadong appointment na: i-save ang petsa at oras nito at ang link na ipinadala sa iyo.
- Kung bagong pasyente: i-download at basahin ang Pahintulot Para sa Telehealth Consultation na makikita sa Facebook page ng “OPD Fabella”. Kung sumasang-ayon sa mga nakasulat dito, pirmahan ang consent form (o ibigay ito sa iyong magulang o guardian para pirmahan) at ipadala ito sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. bago ang nakatakdang schedule ng VC.
- Kung kinakailangan magpadala ng laboratory/ultrasound/x-ray/iba pang resulta na may kaugnayan sa karamdaman ng pasyente, i-scan o kunan ng litrato ang mga ito at ipadala sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. para maikabit sa tsart ng pasyente.
- Mga hakbang sa pag-log-in para sa Video Consultation:
- Mag-log-in ng 5 minuto bago ang nakatakdang oras sa araw ng konsultasyon. Buksan ang computer, smart phone, o tablet.
- Kumonekta sa maganda at matatag na internet.
- I-type ang link na ipinadala sa iyo sa browser ng computer. Pwedeng gumamit ng Chrome, Firefox, o Safari.
- Payagan ang browser na gamitin ang webcam at mikropono ng computer.
- Nasa webpage ka na ng platform. I-type ang iyong pangalan o ang iyong Patient Health Card (PHC) number at i-click ang “check in”.
- Nasa Waiting Room ka na ng doktor. Hintayin ang doktor na simulan ang iyong konsultasyon.
Download : Pahintulot Para Sa Telehealth Consultation